86 Quotes by Bob Ong

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…

  • Tags
  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.

  • Tags
  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.

  • Tags
  • Share


  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals nanakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, atmga bulaklak.

  • Tags
  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Turuan mo ang mga taong mag-isip. Tulungan mo ang kapwa mong maging maalam. Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo.

  • Tags
  • Share



  • Author Bob Ong
  • Quote

    Masipag na bata. Kaya lang nakalimutan n'ya na wala sa mga ginagawa natin ang makakapagsabi nang sapat kung sino tayo. Dahil lagi tayong higit sa kahit anong trabaho na nagawa at gagawin natin.

  • Tags
  • Share