86 Quotes by Bob Ong

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Pilipino ako, sapat nang dahilan ’yon para mahalin ko ang Pilipinas.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ’ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’ Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ’yan ng tao!

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

  • Share