86 Quotes by Bob Ong

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n’ya ay “to exorcise the demon in me.” Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nakayanan n’yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n’yang lumipad.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw ’yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ’yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ’yung pangalawa?

  • Share

  • Author Bob Ong
  • Quote

    Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.

  • Share