19 Quotes by Lualhati Bautista

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.

  • Tags
  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!Klik! Klik!Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.

  • Tags
  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.

  • Tags
  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.

  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Ang Pilipino, sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan, ay patuloy na lumilikha ng magigiting na sandali sa pagsusulong ng kanilang sariling kinabukasan.

  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Minsa’y naiisip n’ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana’y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.

  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Tama na sa akin ’yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.

  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Na minsan, ang manunulat ay hindi lang ang manunulat kundi ang tauhan din ng kanyang kwento. Ang tauhan ay ang puso’t kaluluwa, ang sarili, ng isang manunulat.

  • Share

  • Author Lualhati Bautista
  • Quote

    Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang mga kaangkinan niya. – Lea, Bata, Bata... Pa’no ka ginawa?

  • Share