13 Quotes by Bob Ong about Inspirational
- Author Bob Ong
-
Quote
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
- Tags
- Share
- Author Bob Ong
-
Quote
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
- Tags
- Share