20 Quotes by Ricky Lee

  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.

  • Tags
  • Share


  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.

  • Tags
  • Share

  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Kailangan nating tanggapin ang lahat. Kailangan nating maintindihan na minsan ay di natin maiintindihan ang lahat. E ano kung masakit? E ano kung nadudurog ang puso mo? Ganyan lang talaga ang buhay!

  • Tags
  • Share

  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Ang mga Amerikanong yan, para ding aswang! Kakaibiganin ka,ililigtas at tutulungan,pero kakainin ang lamang-loob mo, ang dugo mo at kaluluwa, ang kultura at pagkatao mo! Hanggang di mo na makilala ang sarili mo!

  • Tags
  • Share

  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Kapag nawala na ako, sabi ng bahay sa gitna ng pagkukuwento, at nalulungkot ka, lagi mo lang iisipin, ang kalungkutan ay kaligahayang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon.

  • Tags
  • Share

  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?

  • Tags
  • Share


  • Author Ricky Lee
  • Quote

    Kumplikado ang tao, lalo na ang mga bakla, hindi siya dapat ikahon sa labels.

  • Tags
  • Share