5 Quotes by Jayson G. Benedicto
- Author Jayson G. Benedicto
-
Quote
Pag mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kapag bumalik siya, ibig sabihin wala siyang pamasahe.
- Tags
- Share
- Author Jayson G. Benedicto
-
Quote
Siguro ganun talaga ang buhay. May mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano pa ang tindi ng kagustuhan mong makuha ay hindi mapapasaiyo kung hindi nakatakda sa isang invisible na script na kung tawagin ay tadhana.
- Tags
- Share
- Author Jayson G. Benedicto
-
Quote
Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.
- Tags
- Share
- Author Jayson G. Benedicto
-
Quote
Kapag punuan ang jeep at nagkataon na sinungaling ang driver sa pagsasabing "Lima pa, maluwag na maluwag pa yan", merong bagong sakay na pasahero ang bigla nalang tutuwad sa harap mo, sa pag-aakalang uusog ka, upang siya'y makaupo. Napaka awkward ng feeling, habang pinagmamasdan mo siya sa ganun posisyon pero wala ka namang magawa dahil puno na nga ang upuan. Doon mo nalaman kung anong feeling ng isang arinola.
- Tags
- Share
- Author Jayson G. Benedicto
-
Quote
Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.
- Share